Comments on: Marife Necesito: Decries Shabby Treatment/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/Film, music, sports, photography, food, travel, news, life...anything and everything I coverMon, 26 Dec 2011 08:14:51 +0000hourly1http://wordpress.com/By: jude bautista/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-529Mon, 26 Dec 2011 08:14:51 +0000/?p=3039#comment-529In reply to tamtamtam.

Salamat sa pagcomment Tamtamtam. Tama ka pero sa ngayon parang di na pwede yung bobo umarte. Kung ma CAST man sila tapos masama yung pag-arte, maaring di na ma-ulit. Na kikita ko na nagteyatro sila para ma hasa.

]]>
By: tamtamtam/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-522Thu, 22 Dec 2011 14:11:05 +0000/?p=3039#comment-522In reply to neknek26.

MADAMING SIKAT NA ARTISTA NA WALA NAMAN TALAGANG TALENTO. PORKET GUSTO NG MASA ANG MUKHA, ARTISTA NA. ILANG ARAW NG ACTING WORKSHOP, BAHALA NA, MAINSTREAM ACTOR NA. KARAMIHAN PA-DIVA, WALA NAMANG TALENTO.

Pero hindi nga ang kasikatan ang issue dito. Karapatan ng bawat artista ang magkaroon ng maayos at pantay-pantay na pagtrato sa industriya, teatro man o indie o bara-barang mainstream na pelikulang Pinoy, o Hollywood man yan.

]]>
By: kathurrr/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-472Fri, 04 Nov 2011 02:12:34 +0000/?p=3039#comment-472si NEKNEK ay isang die-hard kapuso! LOL

]]>
By: ARCHIE DEL MUNDO ✔ (@archiedelmundo)/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-471Thu, 03 Nov 2011 08:57:23 +0000/?p=3039#comment-471In reply to neknek26.

Walang problema sa komento o opinyon mo sa pelikula ko kung talagang napanood mo. Salamat pa din kung napanood mo. Pasensya na kung di mo nagustuhan.

Pero hindi naman yata wasto na paratangan mo ako ng “pang-aabuso” nang dahil lang sa tema, konteksto, at imahe ng aking pelikula. Hindi naman universally panned ang pelikula. May napangitan, may nagandahan, may hindi nakaunawa, may naliwanagan. Mixed reviews. Walang masama. Bawi na lang ulit sa susunod. At sigurado namang may susunod. At buo pa din ang tiwala ni Ms Necesito sa akin, kasama ng iba pang nagsiganap sa Taksikab – sa akin. Lubhang maliit ang pera na nagastos sa produksyon ko, pero sinigurado ko na sapat ang ibinayad sa serbisyo ng mga artista, at maayos ang working condition. Walang pinilit sa paghuhubad. Hindi pa nila sa akin direktang sinabi pero base sa mga naririnig ko sa iba, at sa mga binehave nila – proud naman sila sa pelikula at ginawa nila sa pelikula. Nakakontrata ang lahat, at nakaindicate pa na sa oras na magkaroon ng profit ang pelikula ay tatanggap pa sila ng karampatang halaga bilang acknowledgment sa dedikasyon na binigay nila sa pelikula. Kung may ilan kang mababasang reviews tungkol sa Taksikab – sinasabi ng ilan na magandang desisyon ang pagkakainvolve nila. Katulad ng sayo, opinyon lang din yun. Positibo at negatibo. Walang masama. Huwag lang ang paratang na walang ebidensya o konkretong argumento.

Nagkataon lang na hindi ang tulad ni Marife ang mananahimik kung inaapakan, minamaliit, o binabalewala ang hinaing. Hindi iyon nangangahulugan na masama na ang ugali niya, o mayabang katulad ng sinasabi mo – at kung ito ay base sa personal na karanasan mo sa kanya, o kung ito ay sabi sabi lamang ng mga taong hindi nakakaintindi ng mga base sa sitwasyon at bagay bagay. Kilala ko isa-isa ang may ganyang sentimeyento kay Marife, at alam ko na lahat sila ay may sinasabi sa iba – para lamang makaisa sa kanya, noong mga panahon na naitiklop ang mga bibig nila nung narealize nilang hindi ang katulad ni Marife ang pwedeng barahin ng argumentong pabalang o wala sa hulog.

Higit pa sa dekada ang pakikipagsapalaran ni Marife. Mas higit ang mga taong nagmamahal, humahanga, rumirespeto, at nagpapahalaga sa kanya kaysa sa mga taong makikitid ang utak na ang tingin lamang sa pangangatwiran ay simbolo ng pagkamayabang o pagkasama ng ugali. Pero sa halip na sayangin niya ang oras sa paglulunoy sa papuri o pangungutya – mas pinag-ukulan niya ang patuloy na pag-aaral sa kanyang sining at pagpupunyagi na mabigyan ng tamang papel bilang aktor. Kaya mula noon hanggang ngayon, nananatili siyang competitive sa kahit anong auditions – international man o lokal. Kung hindi man siya mapili, hindi yun dahil sa mas magaling sa kanya ang kalaban, kundi sa mas madalas ay mas pinapaboran ang pangalan, o ang nepotismo.

Kung kilala mo talaga sa personal si Marife, walang duda na hindi ganyan ang magiging opinyon mo sa kanya. Kahit pa magsalita siya ng kahit ano. At uulitin ko, tahimik lang talaga at mababang loob si Marife – huwag mo lamang siyang babalasubasin ng sagad sagaran- kahit sino ka pa. Makakatikim ka ng “paliwanag”

Correction lang, madami pa din kumukuha sa kanya. Yun nga lang pinipili na niya ang tatanggapin. Para makaiwas na din sa mga masamang karanasan noon.

]]>
By: Anti-Clique/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-470Thu, 03 Nov 2011 08:45:26 +0000/?p=3039#comment-470@neknek 26 Neknek mo. Sino ka ba sa totoong buhay aber? (hindi kita tinatarayan ha, ganito lang ako magsalita at magsulat)

Just to be fair, I will summarize the situation from an independent point of reference then I’ll post my own analysis. In short, walang proper names involved, para walang bias. At OO, kaibigan ko si Marife. For me, MABUTI siyang tao na MAY PANININDIGAN. Hindi ko na iinclude yung isyu sa kainan o tent o nametag. Yung main isyu lang

1. Actress was promised a role preprod pa lang sa isang telenovela. Pilot pa lang andun na siya.

2. Actress’ lines kept being given away to other characters in the telenovela without her being informed beforehand.

3. Actress spoke up about the issue. She was fired and was told that she has an attitude problem

ANALYSIS:

1. Professionalism should exist ANYWHERE. Siguro naman alam natin ang minimum standards ng professionalism o baka kailangan ko pang i-Wikipedia dito? In connection with this, if someone was promised a role, the person/s involved should follow through with that promise if they are (and they claim to be) PROFESSIONAL. There would be a problem though if this was a verbal promise, because if NO ONE will admit to witnessing that verbal agreement, and there is no written agreement (CONTRACT), then there is NO WAY to prove that such PROMISE existed.

2. Based on #1, and following the line of thought that such PROMISE existed, it is indeed UNPROFESSIONAL to give away an actor’s lines to another without mutual consent from both parties since he/she has the right to the ROLE.

3. How do we define ATTITUDE PROBLEM in the first place? If an actor speaks up about something concerning an acting job, it is just APT because his/her ACTING JOB is concerned. He/she shouldn’t be fired because of that. NOW, if it was the WAY she/he spoke about it (let’s say she was rude, tempers flared, etc.), then that MAY justify his/her getting fired. HOWEVER, let’s say the latter situation is true and things just got out of hand one fine day, it is WRONG for ANYONE to GENERALIZE a person’s character because of a SINGLE situation.

4. ACTOR = EMPLOYEE, ACTING WORK = JOB, PRODUCTION COMPANY/ANYONE HIGHER IN POSITION = BOSS. In short, if you’re an ACTOR and you don’t like your WORK because of the UNPROFESSIONAL POLICIES of the BOSS/ES, just QUIT. Para tapos. Para walang problema.

LESSON LEARNT. KAILANGAN TALAGANG MAUSO ANG KONTRATA. KAILANGAN NANG MALALA. KASI KUNG MAY KONTRATA, MALINAW ANG KARAPATAN NG ISANG AKTOR, PATI ANG KANYANG SUWELDO. If you think about the equation I’ve written above, would you consider applyin for a regular job as an employee without a contract? Di ba hindi? E bakit kapag acting job pumapayag ang mga aktor na walang kontrata?

My two cents’. 🙂

]]>
By: Pablo Propitaryo/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-469Thu, 03 Nov 2011 08:45:03 +0000/?p=3039#comment-469So…sino dito ang gustong maging manager/producer/director si neknek26? 😛

]]>
By: Passerby/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-468Thu, 03 Nov 2011 08:31:47 +0000/?p=3039#comment-468In reply to neknek26.

> Pero isang kaarogantehan ang magpainterview para isiwalat ito, totoo man o indi. Saka hindi naman ‘yung kabastusan ang sinasabi ko. ‘Yung naging attitude niya towards dun sa isyu. Kung talagang concern artist siya ng Pilipinas, hindi siya magpapainterview. Dapat sabihin niya sa tamang tao o sa tamang lugar. Bakit siya nagpainterview? Dahil gusto niyang pag-usapan. Saka bakit kailangang magdrop name pa. Anong gusto niyang palabasin? Gusto niyang magkaroon ng libreng PR.

So you’re saying…pag ang babae ni-rape ng sex maniac, hindi na lang niya ire-report? Dahil naghahanap lang ng publicity ‘yung babae?

Kapag ang isang empleyado natanggal sa trabaho dahil trip lang ng nagpapasahod at tinanggal siya nang walang abiso at nang hindi binibigay ang benepisyo, hindi na lang dapat isiwalat sa media? Dahil naghahabol lang sa pera ‘yung kawawang trabahador?

> Bakit nadinig mo na ba ang side ng mga taga production? Hindi rin ako kumporme sa maling pamamalakad ng mga network na yan at sa mga maling pagtrato sa mga nagtatrabaho sa industriya, mapateatro man o TV, mainstream man o indie. Ang akin lang, mas bibilib sana ako sa kanya kung hindi ganyan siya magsalita.

Well…intayin na lang natin na magsalita ang side ng producition. *Kung* magsasalita man sila.

Gusto kong mag-ilusyon na mangyayari nga iyon. Pero hindi na ako umaasa. (GMA pa nga lang ‘yan…imagine-in mo kung sa ABS nangyari ‘yan.) Good luck na lang.

> Saka kung inyong papansinin, ang interview ay tungkol sa pelikulang Mammoth (claim to fame niya kahit ilang taon na lumipas) pero halatang inlihis niya sa gusto niyang pag-usapan. ibig sabihin, paimportante siya.

Nabasa mo na ba ‘yung Part 2 ng interview? HIndi sa post na ito,

> Saka naitanong nyo na ba kung bakit ganyan ang trato sa kanya? Baka naman kasi may problema din sa pag-uugali nyan? baka naman masyado siyang umasta sa prod., dahil sa tono ng pananalita niya malalim ang relasyon niya dun sa Angie Ferro kaya malakas ang loob nyang magrequest ng mga tent.

Kung binasa mo talaga ‘yung interview—‘yan ay kung talagang binasa mong mabuti, hindi ‘yung dumaan lang sa mga mata mo ‘yung mga pangungusap—ni hindi nga si Marife ‘yung unang nag-react. ‘Yung teacher niya na si Angie Ferro pa. Parang hindi naman yata patas na pagbintangan mong may ugali siya kung hindi nga siya ‘yung umiimik.

> Kung wala kayong idea sa totoong ugali niya, eh di magtanong kau sa mga taong nakatrabaho niya sa indie na sinalihan niya, kahit dun sa huling ginawa niya kay Lav Diaz.

May personal na galit ka ba kay Marife kaya mo nasabi ‘yan?

> Indi naman ito retreat. Wag ka ditong magrecollect ng mga memories nyo. Kakatawa ka naman! May masabi ka lang! Magpainvolve lang.

Hindi rin ito ang Pinoyexchange.com o ang Facebook page ng GMA News TV para may masabi ka lang….

]]>
By: Passerby/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-467Thu, 03 Nov 2011 08:23:14 +0000/?p=3039#comment-467In reply to neknek26.

> Yung way ng pagkakasabi niya kasi. Parang ang yabang.

Hum, hum, hum. Typical Pinoy reaction. Basta prangka, mayabang na. Sinabi na mismo ni Marife: Pinoys are too nice. Waaay to nice. To a fault. Bakit pa ba ako magtataka? 😛

> Kinukumpara niya ang Pinas sa ibang bansa isa treatment ng work. Mahirap na bansa ang Pilipinas. Madaming problema ang produksyon. Hindi uunahin ang 1 gaya niya.

Pero ang masamang palakad ng kumpanya ay hindi namimili ng mayaman o mahirap na bansa. For that matter, bad behavior doesn’t choose social standing or economic wealth.

‘Yung kamamatay lang na si Steve Jobs, may nakasabay na empleyado niya sa elevator na sinibak niya nang walang abiso o benefits pagkalabas nila doon, matapos lang ng una (at huling) beses na nakausap ng nasabing empleyado si Steve Jobs…ngayon, sabihin mo sa akin ngayon na sa isang bansang mahirap katulad ng PIlipinas lang pwedeng mangyari yun.

> Si Ate Guy nakaranas din ng ganyan sa ABS kaya nga mas pinili niya na magkaserye sa TV5 pero kinalat ba niya?

Did someone ask Ate Guy in the first place?

For that matter, si Ate Guy lang ba ang artista sa Pilipinas?

> Palibhasa wala ng kumukuha sa kanya kaya naghahanap siya ng publicity.

Ininterview ka. Tinanong ka. Sumagot ka ng totoo, ‘yung walang halong sugarcoating. The interview gets published or posted online. Kahit na sa Time Magazine pa ‘yan o sa Inquirer o sa isang maliit na blog, considered published pa rin ‘yun. End of the story.

And of course, an interview *is* a form of publicity. Is the Pope Catholic?

> Sa bibig mo na din nanggaling na kaibigan mo siya kaya naman hindi ka nagdalawang-isip na ipagtanggol siya, Bakit may nagawa ka ba para iangat ang kalidad ng akting niya?

So?

> Ano ba napala niya sa pelikula mong Taksikab? Wala! Napansin ba siya dun? Hindi. Lalo mo lang pinababa ang kalidad niya bilang theater actress ng isinali mo siya sa pelikula mo na walang kakwenta-kwentang laswaan at baklaan.

I’ll get back to you on this later…read on.

> Kung makapagsalita ka din para namang concern ka sa industriya, eh wala ka din namang ginagawa para iangat ang indie film.

E ikaw, ano ang nagawa mo para sa industriya?

You know, at one point, we need feedback. Kung walang magsasalita na may problema sa industriya, lilinlangin lang ng mga taga-industriya ang sarili nila na “okay” ang lahat-lahat, when it is not. Binubulag lang nila ang sarili nila sa ilusyong sila rin ang lumikha. Kaya paminsan-minsan, kailangan din na merong magsalita at manindigan tungkol sa mga ganitong mga bagay-bagay. Sa ganon naman pwedeng magsimula ang mga pagbabago.

But silencing critics will not help solve the problems of the film industry. The film industry will have to look at its problems at the face, and DO SOMETHING once those problems have been pointed out to them. That’s why feedback from critics and audiences is crucial.

> Kasama ka din sa mga nang-aabuso sa imahen ng indie para pagkakitaan at samantalahin ang mga kalalakihan. Ang lakas ng apog magsalita, basura din naman ginagawa!

Indie film gay exploitation films.

Indie film gay films.

Indie film sex films.

Uulitin ko.

Indie film “laswaan at kabaklaan”

Ang pinagkaiba lang naman ng indie films at ng mainstream films ay ito: yung mode of production. Ang isang indie film ay walang backing ng malaking studio (at madalas, dahil dito, hindi napapakialaman ng ibang tao ang gustong gawin ng direktor or writer ng pelikula). Iba ito sa mainstream production na big-budget (e.g. millions) ang kayang ibigay para sa isang produksyon. At dahil maraming perang nakataya sa produksyon, kadalasan, pinapakialaman ng producers at ng “creative team” at ng “creative consultants” (whatever those s**t means) ang buong takbo ng pelikula, kasama na doon ang walang-habas na pagmasaker sa kwento ng pelikula. (That’s why you get bad Star Cinema and GMA Films movies that could have been better.)

May mga indie films na wala namang halong “laswaan at kabaklaan” ang tema. This year lang, sa Cinemalaya, merong “Patikul” na tungkol sa Mindanao. Merong “Nino” na tungkol sa isang pamilya. At kahit na may bading na character yung “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”, walang “laswaan” na nangyayari dito. Sana napanood mo ‘yung mga pelikulang iyon, kasama ng ibang entries sa Cinemalaya.

Ngayon…masasabi mo lang ‘yan kung ang mga indie films na napanood mo ay puro “laswaan at kabaklaan”; kung hindi, paano mo maja-justify na puro ganun lang ang indie film kung hindi ka nanonood ng indie films na walang “laswaan at kabaklaan”? Kung ang alam mo lang sa indie films ay puro “laswaan at kabaklaan” then…you need to see more films, local and foreign, indie and mainstream. Ika nga ng character ni Eddie Garcia, marami ka pang kakaining bigas.

]]>
By: jude bautista/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-466Thu, 03 Nov 2011 07:43:17 +0000/?p=3039#comment-466In reply to neknek26.

neknek, masasabi ko na hindi mayabang yung pagkakasabi ni Marife nung na interview ko siya. Factual comparison dahil na tanong ko rin, may basis yung sinasabi niya dahil galing sa tunay na karanasan sa pagtrabaho abroad at dito. Na intindihan ko rin bakit siya nagpa interview or dun niya na i-labas dahil last contact niya was a phone call na wala na yung character niya. So ang hirap mag raise ng conern kung wala ka na sa show. Sinasabi rin niya sa kanila sa magandang paraan kung ano yung nangyayari pero umabot sa punto na walang nakikinig. Ako masasabi ko rin na hindi kami magkaibigan ni Marife BAGO nung interview pero sa ganda ng ugali niya na kita kung anong klas siyang tao. hindi siya nagpapapansin o sadyang naninira. Na kwento lang niya kung ano talaga nangyari sa kanya.

]]>
By: neknek26/2011/09/19/marife-necesito-decries-shabby-treatment/#comment-465Wed, 02 Nov 2011 11:34:00 +0000/?p=3039#comment-465@Nico and Passersby. Pero isang kaarogantehan ang magpainterview para isiwalat ito, totoo man o indi. Saka hindi naman ‘yung kabastusan ang sinasabi ko. ‘Yung naging attitude niya towards dun sa isyu. Kung talagang concern artist siya ng Pilipinas, hindi siya magpapainterview. Dapat sabihin niya sa tamang tao o sa tamang lugar. Bakit siya nagpainterview? Dahil gusto niyang pag-usapan. Saka bakit kailangang magdrop name pa. Anong gusto niyang palabasin? Gusto niyang magkaroon ng libreng PR.

Bakit nadinig mo na ba ang side ng mga taga production? Hindi rin ako kumporme sa maling pamamalakad ng mga network na yan at sa mga maling pagtrato sa mga nagtatrabaho sa industriya, mapateatro man o TV, mainstream man o indie. Ang akin lang, mas bibilib sana ako sa kanya kung hindi ganyan siya magsalita.

Saka kung inyong papansinin, ang interview ay tungkol sa pelikulang Mammoth (claim to fame niya kahit ilang taon na lumipas) pero halatang inlihis niya sa gusto niyang pag-usapan. ibig sabihin, paimportante siya.

Saka naitanong nyo na ba kung bakit ganyan ang trato sa kanya? Baka naman kasi may problema din sa pag-uugali nyan? baka naman masyado siyang umasta sa prod., dahil sa tono ng pananalita niya malalim ang relasyon niya dun sa Angie Ferro kaya malakas ang loob nyang magrequest ng mga tent. Kung wala kayong idea sa totoong ugali niya, eh di magtanong kau sa mga taong nakatrabaho niya sa indie na sinalihan niya, kahit dun sa huling ginawa niya kay Lav Diaz.

@Romeo. Indi naman ito retreat. Wag ka ditong magrecollect ng mga memories nyo. Kakatawa ka naman! May masabi ka lang! Magpainvolve lang.

]]>